A MSG's BLOG ☺


22. Blissful with him

"Nursing is an Art."
That's why I have both.
An Artist by heart and mind;
a Registered Midwife & Nurse ☺.






• • • • • • • • • • • • • • •

Read the Printed Word!

free counters


Theme by: Stijn

DISCLAIMER:
All contents displayed in AJEINOMOTO’s tumblog are copyrighted and owned by her © ajbrelova/ ajein or © ajeinomoto, unless otherwise stated. Kindly don’t steal/ rip/ alter codes. Thank You. ♥

Dear Future Nampyeon,

Hello. So ito lang naman ang unang sulat ko para sayo. Sadyang maraming bumabagabag lang siguro sa king isipan. So paano ko ba sisimulan? Sa ngayon, eto na lang muna.

Sa araw na hihingiin mo ang kamay ko para maging isang kabiyak mo at makasama mo sa habambuhay mo ay siguraduhin mo lang na ako na yung babaeng gusto mo pakasalan ah? Ayaw ko kasi yung darating tayo sa punto na kapag pinagsawaan mo na ako ay maghahanap ka na ng iba. Kaya kapag gumawa ka ng desisyon ay siguraduhin mo lang na ako na talaga yung babae na mamahalin mo at wala ng iba.

Yung tipong sa akin mo lang sasambitin ang mga salitang “Mahal na mahal kita.” o kaya naman ako lang ang babaeng pagpapantasyahan mo kahit marami pang babae na gusto kang agawin o akitin. Yung tipong lalakasan mo ang loob mo na hindi sa kanila tumingin at lumayo o kaya sambitin na, “I’m sorry, but I’m committed, I love her and She’s my ONLY. I can’t afford to hurt her and worst to loose her.” 

Mahiya ka naman sana. Sino ba yung nagyaya na magpakasal nung una palang? Isipin mo na lang din kung ilang libong pera ang ginastos natin sa lahat-lahat lalo na din kapag maghihiwalay tayo. Mas mahabang proseso pa yun. Marami pang mga kailangan asikasuhin. Sayang sa oras. Sayang sa pera.

Kaya, sa araw na maisip mo na hingiin ang kamay ko at suotan ng singsing na magsisimbolo ng pag-akin mo sakin, siguraduhin mo na din na handa ka ng matali sa babaeng gugustuhin mo makasama pagtanda mo at at habambuhay. Dahil ag pagpapakasal ay sadyang sagradong contrata hindi lang sa atin kundi sa Diyos din.♥

Yours Truly, Your Future Anae. ♥

Hindi naman lahat ng tao ay sadyang tumitingin sa panlabas na anyo daw o kung ano ang nakikita agad ng mata. Mas mahalaga pa din daw kung ano ang nasa loob o ang pag-uugali ng isang tao.

Pero minsan sa panahon ngayon, sadyang nabubulag na ang mga tao sa kung ano na lang ang nakikita nila. Yung tipong ayaw na nila gamitin ng maayos yung utak o isip nila para mag-analyze ng mga bagay-bagay. Yung tipong nakokotento na sila sa kung ano yung unang nilang nasagap o sadyang nakita.

Kaya may mga taong nagiging sarado na lang ang isip, dahil sa ayaw na nila gamitin ng maayos ang kaninalng utak. 

Friday, April 6, 2012

TRUST (TIWALA).

Bibihira ang mga taong nakakagawa nito o handang magbigay nito sa isang tao, lalo na kapag nasa loob ng isang relasyon.

I USED TO TRUST SOMEONE. May mga tao kasi na kapag naranasan na nila ang masira ito, mayroon pagkakataon na ayaw na nila masyadong magtiwala pero pumapasok pa din sa relasyon, kaso ang hindi lang maganda kapa ganoon ay tipong nagiging paranoid ang isang tao. Yung tipong kahit wala naman talagang ginagawang kalokohan ay kung ano-ano na ang binibintang ng taong mahal niya sa kanya.

I FULLY TRUST YOU. Ito yung mga tipong kaya talagang ibigay ang buong tiwala nila sa isang tao. Kung baga kahit nasaan man o kung ano ma ginagawa ng taong mahal niya ay kampante siya na hindi ito gagawa ng kung ano mang kalokahan dahil alam niya na siya lang minamahal nito at hindi siya lolokohin nito. At bibihira ang mga ganitong tao kapag nagmamahal.

I THINK I TRUST YOU. Ito yung mga tipong nagtitiwala nga pero may bahid pa rin ng takot sa kung ano pwedeng gawin ng taong mahal iya lalo na kapag hindi sila magkasama. Semi-Paranoid kung baga. Parang pareho din ng na una. 

I TRUST YOU NO MATTER WHAT YOU DO EVEN IF IT HURTS ME. Ito yung iba o yung tipong kahit harap harapan na ang pangloloko na ginagawa ng isang taong mahal niya sa kaya ay todo deny pa din siya o kinukumbinsi pa rin niya ang sarili niya na HINDI NIYA YAN MAGAGAWA SA AKIN, ito rin kasi yug mga tipong ayaw nila mawala yug taong mahal nila. Manhid kung baga or sadyang MARTYR.

Ikaw, alin ka dito? =)

Tuesday, April 3, 2012

Hindi ibig sabihin na kapag ang isang tao ay walang ipinapakitang kasamaan ay mabait na.

Hindi sapat na rason na kapag kayo na, ay less effort ka na lang sa taong mahal mo at mahal ka.