
22. Blissful with him




Minsan dapat huwag natin sasanayin ang sarili natin sa isang routine o habit na siyang ginagawa natin lalo na kapag sobra mo na itong nakasanayan at sa huli kapag hindi na siya naging consistent ay aasa tayo sa wala. Ikaw rin ang masasaktan sa huli.
Sa tuwing aasa tayo, mas lalo tayo masasaktan.
Mas lalo tayo aasa na mayroon pang pagkakataon.
Dapat alam natin, alam mo kung kailan ka aasa o kakapit pa.
At mas lalo dapat alam mo kung kailan mo sasabihin sa sarili mo na,
“TAMA NA. PAGOD NA AKO.”
Masakit pero minsan ang pagharap sa katotohanan ang pinakamagandang solusyon para makaiwas na din sa kung ano pang sakit na pwede natin maramdaman.
Maawa ka naman sa sarili mo.
Huwag mo na masyadong saktan.
Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba.