
22. Blissful with him




Dahil sa malapit na naman ang Pebrero 14. Tiyak, dadami din ang mga maghahanap, mamimili at mamimigay ng mga ganitong bagay o pagkain o kung ano pa man na puedeng sumimbolo ng PAG-IBIG at PAGMAMAHAL nila sa isang tao. Marahil ang iba ay makakatanggap, ang iba naman ay umaasa na may matatanggap, ang iba ay masaya na sila ay namimigay habang may iba naman na tiyak BITTER kapag darating na ang araw na ito. Pero hindi ibig sabihin nun na ayaw na nila na ang araw na ito. Sadyang naghihintay lang talaga kasi sila na may SOMEONE special na makakaalala sa kanila o kaya naman ay ma-recognize sila. Yun lang naman. Pero hindi lang naman kasi talaga para sa LOVERS ang araw na VALENTINE’s DAY. Sadyang tinatawag din diba itong HEART’S DAY, dahil para ito sa mga taong NAGMAMAHAL, MINAMAHAL at MAHAL ka. Kaya please lang, huwag ka na malulungkot kung wala kang ka-VALENTINO. Mas marami pang nagmamahal sayo noh. Malay mo din, sa tabi-tabi mayroon na dyan at kung tutuusin sinubukan mo na din bang tumingin sa taas? May mas nagmamahal kasi sayo doon eh. :”> ♥
ADBANS (ADVANCE) HAPPY VALENTINES. ♥